NAG-IIMBESTIGA ANG BITAG!
(Kaso ni Sandy Villapando)

Ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City ay lumapit sa BITAG nitong Biyernes.

Tulad namin, sila’y lito sa kaso ni Sandy na matagal na palang nasa funeral parlor simula noong July 20 bilang isang “John Doe.”

Ang ibig sabihin ng “John Doe” ay isang lalaking bangkay na walang pagkakakilanlan.

Ayon sa CIDU, wala raw silang nakitang palatandaan sa anumang bahagi ng bangkay ni Sandy na siya ay pinahirapan, binugbog o binaril.

Eto ang pahayag sa akin sa telepono ni Police Master Sergeant Roldan Cornejo, Biyernes ng umaga.

Para sa mga MAKAKATI ANG DILA na kung ano-ano ang pinagsasabi sa social media, habang hindi pa buo ang imbestigasyon, ‘wag muna kayo gumawa ng inyong konklusyon.

Wala kayong karapatan na magsalita at magbigay ng teorya base sa “taba” ng inyong utak na wala namang laman maliban sa tsismis.

Nagiimbestiga na ang BITAG. Igalang nyo ang pagdadalamhati ng pamilya ni Sandy. Antayin natin ang buong imbestigasyon ng CIDU. Humiling na ang BITAG ng re-autopsy sa QCPD-SOCO.

Pansamantala, kayong mga makakati ang dila, SHUT UP! Kayong matataba ang utak na kung anu-ano ang pinagsasabi, SHUT UP!

Ito ang inyong tanging magagawa bilang RESPETO sa mga nag-iimbestiga. Kabahagi ang BITAG sa imbestigasyong ito.

Si Sandy ay isang empleyado ng BITAG.

Narito ang aking inisyal na pahayag, Biyernes ng hapon sa programang Pambansang Sumbungan.

Abangan ang mga update at buong special investigation sa kasong ito.

source

<Subscribe to Erwin Tulfo Official Youtube Channel